Ang Halaga ng Edukasyon sa Makabagong Panahon








Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanilang inaasam na mga mithiin.

Sa panahon ngayon, napakarami nang hadlang sa pagkamit ng inaasam nating edukasyon. Maraming opurtunidad ang dumaraan ngunit hindi ito nabibigyang pansin ng ilang kabataan. Sa kasalukuyan, makikita natin ang epekto ng kawalan ng edukasyon sa mga mahihirap. Ayon sa survey na isinagawa ng DepED (Department of Education), sa 20.17 milyong estudyante, tanging 7.3 milyong estudyante ang umaalis o hindi nagpapatuloy sa pagaaral. 


          Marami ang mga problemang hinaharap ng mga kabataan. Ngayon, kapag gusto nila mag-aral, may mga panahon na mas maganda ang kalidad ng edukasyon sa mga lugar na urban tulad ng Metro Manila kaysa sa mga lugar na rural, tulad ng Batanes. Dito pumapasok ang kakayanan ng gobyerno na sustentuhan ang paggawa at pagpapanatili ng mga pampublikong paaralan sa mga malalayong lugar. Hindi sapat ang pondo ng gobyerno para sa edukasyon, makikita natin ito sa mga substandard na materyales na ginagamit pang tayo ng paaralan, sa kakulangan ng mga kagamitang panturo at sa mababang sweldo ng mga guro.

          Karamihaan ng mga estudyante ang napipilitang huminto sa pagaaral buhat ng kakulangan sa pangbayad ng matrikula na tumataas habang tumatagal ang panahon. Isa pa sa mga hadlang na hinaharap ng kabataan ay ang nakakagulat at nakakadismayang datos ukol sa
mga kaso ng teenage pregnancy sa ating bansa. Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical Authority, kada oras, 24 na sanggol ang sinisilang ng mga kababaihang may murang edad. Maraming epekto ang naidadala ng maagang pagbubuntis sa edukasyon ng isang minor de edad, unang una, malaki ang problemang dinadala ng maagang pagbubuntis ng kababaihan, lalo na kung ang babae ay nagaaral pa; pangalawa ay napipilitang huminto ng pagaaral ang estudyante at panghuli, napipilitang mag-drop out ang bata dahil sa bagong obligasyon na kinakailangang gampanan bilang isang ina. Ang huling hadlang sa edukasyon ay ang hindi pagkakapantay-pantay ng kalidad nito sa mga siyudad urban at rural, sa mahigit na 2.8 milyong kabataan na nagaaral sa pribadong paaralan, sila ang nakakatanggap ng mataas na kalidad ng edukasyon, kung ikukumpara sa mahigit 17.34 milyong estudyante na nagaaral sa pampublikong paaralan.

           Tulad ng sinabi ni Dr. Jose Rizal, “Ang Kabataan ay ang Pagasa ng Bayan”, mahalagang malaman ng kabataan ang kahalagahan ng pagaaral dahil ito ang unang hakbang tungo sa pagbangon: pagbangon sa estado ng buhay, pamumuhay at sa kahirapan.

______

Quote of the day: